
Gago ang PC ko! Nag-restart! Yan tuloy, naglaho entry ko! ashfuhfuihsjfjhf CONYO! Ginagago ba ako ng PC ko?
Putragis! Nagkatotoo ang kinakatakutan ko! Si Bamboo Manalac ay Vocalist Of The Year sa 2004 NU Rock Awards!!! Di naman sa galit ako kay Bamboo (kung ganun, bakit ko sasayangin pera ko sa CD ng banda niya?) pero ukinam, ako lang ba ang naniniwala na talo siya ni Ebe Dancel? sfjhfhj;rfgpjhdsjfjf
Pero at least nanalo si Buddy Zabala ng Bassist Of The Year. Di ko lang alam kung para sa Twisted Halo o Cambio.
awjdefhnfjhfjeknf ampangit ng simula ng araw na ito. I am now very, very angry.
R.E.M. - Bad Day
di ko pa rin mapanood sablay vid!
December 2, 2004
posted at 10:22 AM
Walang pasok ngayon dahil may bagyo raw (kasi di naman umuulan as of now eh). Olrayt!
Napanood ko uli ang Nahuhulog vid. Gusto ko talaga ng MP3 nun - sana isang track yon sa album na ibibigay sa akin sa Pasko. Pag naririnig ko kasi yung kanta, naiisip ko si Kuya Raims na naka-eyeshadow at pasayaw-sayaw. Anlayo na ang narating niya mula ng pag-"gradweyt" ni Kuya Ely mula sa Eraserheads.
Sana manalo ang Sugarfree sa NU Rock Awards na gaganapin ngayong gabi. *crosses fingers*
*isip* Parang gusto ko nang ilipat ang blog ko sa LJ ko. Mas madami na akong pinopost sa LJ ko eh, at saka nakakatamad magpost gamit ang Pitas. *isip ulit*
Sugarfree - Prom
gusto ko mag...basketbol? huh?
November 30, 2004
posted at 08:45 PM
Iniisip ko kung i-popost ko yung Sugarfree colorbar na ginawa ko sa LJ ko. Or to be exact, ang LJ comm ng Sugarfree. Mababa kasi ang tiwala ko a) sa Photoshop skillz ko at b) sa self-esteem ko (meron ba ako nun?)
In other news, di ako makakapunta sa MTV Staying Alive HIV/AIDS Music Summit bukas. Nagulat nga ako't bukas yun eh. Ayoko kasi pumasok bukas - may debate kami tungkol sa The Da Vinci Code ni Dan Brown bukas. Normally okey sa aking ang mag-debate, kaya lang wala ako masyadong opinyon tungkol sa TDVC eh, except yung tungkol sa writing style nya. Sa ganitong bagay, sobrang pragmatic ako eh. Wala akong pake sa hype. Kung gusto ko, gusto ko. Kung ayaw ko, ayaw ko. Kung neither of the two, wala akong pake. Ganyan talaga ako, magulong tao.
Wala na naman akong maisip mapost. Di ko trip bagong Geom teacher namin - parang nabobobo ako kapag nagkaklase. Bobo na nga ako, binobobo pa lalo. Lang hiya ang buhay.
Rivermaya - Basketbol
kuwentong sablay
November 29, 2004
posted at 11:52 AM
Kala ko naman matutupad na ang panaginip ko na magkaroon ng scanner. Sayang.
Kanina pang umaga ko hinintay ang Hari ng Sablay vid sa Myx, kaya lang, sablay ako.
Wala lang. Yan muna.
the rumbling of the three-in-one printer thing
gusto ko pa pumunta sa Sugarfree gigs!
November 27, 2004
posted at 07:44 PM
Pumunta kami sa UST concert noong Biyernes. Tatlong banda lang ang napanood namin, kasi 7pm nagsimula tapos nakapagpaalam lang ako hanggang 9 (malayo kasi UST sa bahay namin eh). Bwiset nga eh, kinonfiscate yung ornamental scissors ng nanay ko (at hindi ibalik, taena naman o) tapos yung full arsenal ng kasama ko di man lang pinansin. Buti na lang di nila kinuha ang CD case ko, kundi mag-rariot ako!
Bamboo
Unang banda sila. Okey lang naman sila, kaya lang medyo nabigo ang expectations ko. Kala ko kasi sila yung tipong sobrang wild at heavy rock, pero dalawa lang sa apat na kanta nila ang ma-coconsider para sa slaman (Mr. Clay at Noypi) kasi pa-senti na yung iba. Amputi ni Bamboo, para bang may anemia. Nakakainis yung mga babae sa likod namin. Puro na lang "ay, ang guwapo ni Bamboo!" tapos sabay tulak papuntang harap. Tama ba naman na itago ang drummer sa isang sulok ng stage?
Cambio
Di sila masyadong kilala (hinala nga namin na Southborder talaga ang gusto ng majority eh) pero nagustuhan naman sila ng tao. Pinakamalakas na nga siguro nilang kanta sa kasalukuyan ay ang DV. Mahina yung sound system, kaya di ko masyadong marinig ang boses nina Kris at Ebe sa ibang kanta. Masaya kami dahil andun sina Kuya Buddy at Kuya Raims at masayang tumutugtog...well, di ko masyadong makita si Kuya Raims, pero I'm sure masaya siyang tumutugtog at ngayon parang gusto ko nang gumawa ng fanlsiting para sa...oops, tama na, baka mabasa ito ng fans nila at baka may masamang mangyari sa akin. Wala akong masabi tungkol kay Kuya Diego, pero astig siya at nung una ko siyang makita kala ko itim na uli buhok niya. Extra special ang gig na ito, dahil na-ideklara na namin ang aming undying love kay Kuya Buddy.
Sugarfree
Ayan. Ang dahilan kaya tinahak ko ang dalawang lungsod, isang malaking university at isang unfamiliar commuting route. Sila rin ang dahilan kaya naghintay kami ng dalawang araw at pinapaligiran ng intimidating na college students. Takot nga kami na hindi namin sila mapapanood eh. Pero, alam nyo ba? IT WAS WORTH IT. Hell, lahat ng Sugarfree gigs are worth it. Kahit may ambon o higanteng kalyo sa paa o sauna-like conditions o nawawalang mamahaling gunting, lahat yon dadanasin ko para kina Kuya Ebe, Buddy at Mitch. Grabe ang energy nila! Directly pa nila inaadress ang mga tao. Lahat ng kanta na tinugtog nila hindi nakakasawa kahit sa huling tatlong gig na napuntahan ko yun rin yung tinutugtog. Masaya yung Sinta kasi pasayaw-sayaw pa si Kuya Ebe. Paborito ko ang Prom kaya patalon-talon ako. Sumablay yung sound system habang Hari ng Sablay, pero hinala ko a) pakana lang talaga to ng Sugarfee upang mapakita talagang sablay ang kantang to or b) meron nga talagang Curse ng Sablay at hindi lamang ako ang naaapektuhan nito. Of course, tinugtog nila ang pinakamamahal na Mariposa dahil ni-request ng mga tao. Pansin ko na pareho ng performance style sina Kuya Buddy at Kuya Jal, pero siguro understandable na yun kasi nasabi na nga ni Kuya Jal na marami siyang natutunan tungkol sa bass playing mula kay Kuya Buddy. Di ko makita-kita si Kuya Mitch, kasi yung lalaking nasa harap ko parang poste - mataas na, ayaw pang gumalaw. Parang di concert yung event. Mambobola pala si Kuya Ebe - sabi niya sa Claret di raw siya marunong sumayaw, pero dito sa UST, sobra pag umindak! Nakapulot nga kami ng bagong dance moves mula sa kanya. Sayang lang at di ko napa-sign sina Kuya Ebe at Jal sa Dramachine liner notes ko, kasi nasa kabilang dulo ng UST Grandstand yung stage at ansakit na ng paa namin sa kakatalon.
Hanggang dito na lang report ko. Di namin kasi naabutan ang Spongecola, Chicosci, et. al. pero narinig ko pa first song ng Imago - yung Taning. Okey naman, kaya lang nasa banda labas na kami at medyo bad trip ako dahil sa gunting ng nanay ko at sa masakit kong paa at lalamunan.
Tapos, sa sumunod na araw, may klase kami kahit Sabado, at napamura ako ng walang tigil dahil yung mga gwardya ayaw kaming palabasin. Gago talaga eskwelahan ko.
At least nandito ang Alapaap ng Eraserheads, na nagpapaalala sa akin tungkol sa tunay na ligaya.
Eraserheads - Alapaap
| home | profile | favorites |
| archives | content | gallery |
| links | friends | friends of |