
Sobrang bad trip ako last week. Walang isang araw na hindi ako nagagago o nabubwiset. Di ko alam kung "end of Oktoberfest" blues o PMS o masamang simula (kasi yung pa-importanteng DepEd na binago yung sked ng sembreak), basta ganun. Ampait ng lasa ng huling linggo ng buwan ng kaarawan ko.
Pero siguro mas okey naman ang Nobyembre. Kakagaling ko nga lang sa isang food trip kasama nanay at tatay ko. Mas masarap nga ang pagkain kapag hindi ikaw ang nagbabayad. Nilibre kasi nanay ko sa New World Renaissance Hotel dyan sa Makati, kaya isang gabi akong masaya sa piling ng aircon at cable TV. Tapos di pa siya nagalit nung hanggang hatinggabi ako nakikinig ng Sugarfree at nagbabasa ng tinago kong fanfic sa laptop niya. Oo, napakababa ng kaligayahan ko.
Pinagsasabay ko ngayon ang pag-ayos ng Blogger at paggawa ng proyekto sa Geometry. Hindi naman mahirap masyado kailangang gawin sa Geom, kasi para sa akin nakakatuwa ang pag-prove ng theorems, etc., pero ang problema ko ay tinatamad ako. Heh.
Anlakas ng nostalgia ko para sa Eraserheads simula nung napanood ko yung music video nila ng Ang Huling El Bimbo. Grabe, nakaka-miss talaga ang nakasanayan na. Minsan tinititigan ko yung casette tape namin ng ultraelectromagneticpop! at napapasang-ayon ako sa kapatid ko na sinabi na magbabayad siya ng isang milyong piso para mapanood lang ang Eraserheads muli. Narinig ko nga lang yung Tuwing Umuulan At Kapiling Ka sa Landmark kanina sobrang napangiti ako. Parang ina-affirm nito na hindi kayo makakalimutan, Ely, Buddy, Raimund at Marcus!!!
Eraserheads - Maskara
ang pagbabalik
November 12, 2004
posted at 05:11 PM
Matagal-tagal na akong hindi nagkapag-blag dito ha. Parang nakakatawa na pag may pasok ako, palagi akong nagsusulat (nagtatype?) dito, pero nung sembreak at napakarami kong oras, hindi man lang ako umimik dito. Haha.
Pero may magandang rason ako: 1) ginawan ko na ng bagong layout ang ob.org/hara kiri network/domain at 2) may anim na kanta sa Pirata na pwede nyong i-download (iniimbitahan ko kayo na ubusin ang bandwidth ko!) Nga pala, maraming proyekto na kinailangang gawin (sa eskwela namin, ang sembreak ay isang dahilan upang mag-tambak ng napakaraming proyekto) at naubusan ako ng Internet.
Binili ko na ang urban gulaman ng Radioactive Sago Project. Astig siya, kaya bilhin ninyo. Paborito ko yung "Alaala ni Batman", kasi special mention ang utong ni Batman.
Radioactive Sago Project - Alaala ni Batman
kalayaan sa ating lahat!!1!one
November 13, 2004
posted at 10:16 AM
Kahapon akala ko nakita ko si Kuya Jal sa Comic Quest sa SM North Edsa. Pero hindi pala, kasi masyadong mataas yung boses nung lalaki. Magkahawig kasi ng buhok eh. O baka naman nagsasalita lang ang overwhelming obsession ko sa Sugarbouyas?
Binili ko ang The Picture of Dorian Gray ni Oscar Wilde para sa klase ko sa English. Lang hiya ka Tita Oscar, Php 239 ang libro mo! Sa perang yon makakabili na ako ng Cambio EP at may sukli pa para kumain ng masarap sa McDo, o bumili ng latest ng Pulp at Culture Crash at may pamasahe pauwi pa, pero hindi! Binili ko ang librong ito! Naghihinayang ba ako dahil binili ko ang librong ito? Op kors not! Si Oscar Wilde ang isa sa paborito kong manunulat! At saka may footnotes yung binili ko, at isa akong tao na mahilig sa footnotes.
Pumunta ako sa bahay niya kahapon. Dapat kasi, pupuntahan namin yung "cheap-ass CD sale" ng Myx sa UP Diliman, pero di namin mahanap kung saan, kaya pumunta na lang kami sa Sarabia Optical kung saan niya binili ang The Fearless Exploits of the Bolo Brigade ng Twisted Halo. Dapat nga bibilhin ko ang Cambio EP o Silent Sanctuary debut album o kung ano man, pero hindi. Di ko matanto kung bakit. Kaya ngayon, wala akong bagong musika. Ngunit may nagsabi na bibilhan niya raw ako ng Thanks To The Moon's Gravitational Pull ng Sandwich in exchange sa mga piniratang kopya ng Sugarfree at Spongecola. Sana talaga magkatotoo.
Sa ibang balita, minsan ayoko na nandito ang tatay ko sa bahay. Kasi ako yung klase ng taong mas gusto i-"preserve" yung ideya ko tungkol sa iba sa pamamagitan ng paglayo sa kanila. Kasi pag nandito sila, napapansin ko yung mga hindi maganda tungkol sa kanilang pagkatao. Ika nga nila, "self-preservation". Harsh, but true.
Tigil na ang angst. Gagawa muna ako ng icons.
Sugarfree - Los Banos
lang hiya
November 18, 2004
posted at 04:30 PM
Oops. Dapat pala di ako nagba-blag ngayon, dahil "on hiatus" ako at bukas ang pamatay na periodical test sa Chemistry at di pa ako nag-aaral dahil isa akong (mildy insane na) hari ng sablay.
Parang gusto kong pumunta sa gig ng Sugarfree sa aking lumang alma mater bukas, kasi andun rin ang Cambio, Ciudad, Itchyworms, Spongecola, etc. Kaya lang fully booked siya bukas, with all of the Top Secret Bands, Not So Top Secret Bands and intensyon na panoorin ang The Incredibles bilang isang post-exams celebration kuno.
Naks. Mga 15 to 20 minutes One Piece na. Masaya ang buhay, kahit may Chem bukas at siguardo ako bagsak ako sa kalahati ng subjects ko. Di ko dapat kalimutan yon.
ano ang buhay kung walang intrigahan?
November 22, 2004
posted at 07:35 PM
Isang pangyayari:
Habang kinakausap ko siya kanina sa telepono, bigla kong narinig ang Sinta ng Sugarfree mula sa itaas. Sabay sugod ako sa kwarto ng nanay ko para lamang makita ang pinakamamahal na music video na ito. Parang compensation na rin dahil hanggang ngayon di ko pa rin napapanood ang Hari ng Sablay vid. Muntik ko na ngang makalimutan na may nasa telepono pala.
Sa balitang may relasyon, napaka-slashy ng Taguan. Mahiwaga kasi ang mga pronouns ng wikang Tagalog, genderless. Yan tuloy, ang daling bigyan ng ibang kahulugan. Weytaminit, tama ba ang pagkakarinig ko? "Patay ako sa girlfriend mo"? Lang ya ka, Kuya Jal, how ghei!
At sa iba pang balita na may relasyon, ano ang ibig sabihin ng nagdilang-anghel? Pa-intriga naman ang mga Sugarbouyas na to.
Sugarfree - Taguan
gusto ko pa pumunta sa Sugarfree gigs!
November 27, 2004
posted at 07:44 PM
Pumunta kami sa UST concert noong Biyernes. Tatlong banda lang ang napanood namin, kasi 7pm nagsimula tapos nakapagpaalam lang ako hanggang 9 (malayo kasi UST sa bahay namin eh). Bwiset nga eh, kinonfiscate yung ornamental scissors ng nanay ko (at hindi ibalik, taena naman o) tapos yung full arsenal ng kasama ko di man lang pinansin. Buti na lang di nila kinuha ang CD case ko, kundi mag-rariot ako!
Bamboo
Unang banda sila. Okey lang naman sila, kaya lang medyo nabigo ang expectations ko. Kala ko kasi sila yung tipong sobrang wild at heavy rock, pero dalawa lang sa apat na kanta nila ang ma-coconsider para sa slaman (Mr. Clay at Noypi) kasi pa-senti na yung iba. Amputi ni Bamboo, para bang may anemia. Nakakainis yung mga babae sa likod namin. Puro na lang "ay, ang guwapo ni Bamboo!" tapos sabay tulak papuntang harap. Tama ba naman na itago ang drummer sa isang sulok ng stage?
Cambio
Di sila masyadong kilala (hinala nga namin na Southborder talaga ang gusto ng majority eh) pero nagustuhan naman sila ng tao. Pinakamalakas na nga siguro nilang kanta sa kasalukuyan ay ang DV. Mahina yung sound system, kaya di ko masyadong marinig ang boses nina Kris at Ebe sa ibang kanta. Masaya kami dahil andun sina Kuya Buddy at Kuya Raims at masayang tumutugtog...well, di ko masyadong makita si Kuya Raims, pero I'm sure masaya siyang tumutugtog at ngayon parang gusto ko nang gumawa ng fanlsiting para sa...oops, tama na, baka mabasa ito ng fans nila at baka may masamang mangyari sa akin. Wala akong masabi tungkol kay Kuya Diego, pero astig siya at nung una ko siyang makita kala ko itim na uli buhok niya. Extra special ang gig na ito, dahil na-ideklara na namin ang aming undying love kay Kuya Buddy.
Sugarfree
Ayan. Ang dahilan kaya tinahak ko ang dalawang lungsod, isang malaking university at isang unfamiliar commuting route. Sila rin ang dahilan kaya naghintay kami ng dalawang araw at pinapaligiran ng intimidating na college students. Takot nga kami na hindi namin sila mapapanood eh. Pero, alam nyo ba? IT WAS WORTH IT. Hell, lahat ng Sugarfree gigs are worth it. Kahit may ambon o higanteng kalyo sa paa o sauna-like conditions o nawawalang mamahaling gunting, lahat yon dadanasin ko para kina Kuya Ebe, Buddy at Mitch. Grabe ang energy nila! Directly pa nila inaadress ang mga tao. Lahat ng kanta na tinugtog nila hindi nakakasawa kahit sa huling tatlong gig na napuntahan ko yun rin yung tinutugtog. Masaya yung Sinta kasi pasayaw-sayaw pa si Kuya Ebe. Paborito ko ang Prom kaya patalon-talon ako. Sumablay yung sound system habang Hari ng Sablay, pero hinala ko a) pakana lang talaga to ng Sugarfee upang mapakita talagang sablay ang kantang to or b) meron nga talagang Curse ng Sablay at hindi lamang ako ang naaapektuhan nito. Of course, tinugtog nila ang pinakamamahal na Mariposa dahil ni-request ng mga tao. Pansin ko na pareho ng performance style sina Kuya Buddy at Kuya Jal, pero siguro understandable na yun kasi nasabi na nga ni Kuya Jal na marami siyang natutunan tungkol sa bass playing mula kay Kuya Buddy. Di ko makita-kita si Kuya Mitch, kasi yung lalaking nasa harap ko parang poste - mataas na, ayaw pang gumalaw. Parang di concert yung event. Mambobola pala si Kuya Ebe - sabi niya sa Claret di raw siya marunong sumayaw, pero dito sa UST, sobra pag umindak! Nakapulot nga kami ng bagong dance moves mula sa kanya. Sayang lang at di ko napa-sign sina Kuya Ebe at Jal sa Dramachine liner notes ko, kasi nasa kabilang dulo ng UST Grandstand yung stage at ansakit na ng paa namin sa kakatalon.
Hanggang dito na lang report ko. Di namin kasi naabutan ang Spongecola, Chicosci, et. al. pero narinig ko pa first song ng Imago - yung Taning. Okey naman, kaya lang nasa banda labas na kami at medyo bad trip ako dahil sa gunting ng nanay ko at sa masakit kong paa at lalamunan.
Tapos, sa sumunod na araw, may klase kami kahit Sabado, at napamura ako ng walang tigil dahil yung mga gwardya ayaw kaming palabasin. Gago talaga eskwelahan ko.
At least nandito ang Alapaap ng Eraserheads, na nagpapaalala sa akin tungkol sa tunay na ligaya.
Eraserheads - Alapaap
kuwentong sablay
November 29, 2004
posted at 11:52 AM
Kala ko naman matutupad na ang panaginip ko na magkaroon ng scanner. Sayang.
Kanina pang umaga ko hinintay ang Hari ng Sablay vid sa Myx, kaya lang, sablay ako.
Wala lang. Yan muna.
the rumbling of the three-in-one printer thing
gusto ko mag...basketbol? huh?
November 30, 2004
posted at 08:45 PM
Iniisip ko kung i-popost ko yung Sugarfree colorbar na ginawa ko sa LJ ko. Or to be exact, ang LJ comm ng Sugarfree. Mababa kasi ang tiwala ko a) sa Photoshop skillz ko at b) sa self-esteem ko (meron ba ako nun?)
In other news, di ako makakapunta sa MTV Staying Alive HIV/AIDS Music Summit bukas. Nagulat nga ako't bukas yun eh. Ayoko kasi pumasok bukas - may debate kami tungkol sa The Da Vinci Code ni Dan Brown bukas. Normally okey sa aking ang mag-debate, kaya lang wala ako masyadong opinyon tungkol sa TDVC eh, except yung tungkol sa writing style nya. Sa ganitong bagay, sobrang pragmatic ako eh. Wala akong pake sa hype. Kung gusto ko, gusto ko. Kung ayaw ko, ayaw ko. Kung neither of the two, wala akong pake. Ganyan talaga ako, magulong tao.
Wala na naman akong maisip mapost. Di ko trip bagong Geom teacher namin - parang nabobobo ako kapag nagkaklase. Bobo na nga ako, binobobo pa lalo. Lang hiya ang buhay.
Rivermaya - Basketbol
| home | profile | favorites |
| archives | content | gallery |
| links | friends | friends of |