wala ka na

Entries for October, 2004

testing
October 16, 2004 posted at 04:51 PM

testing lang to, para masaya di ba?

1 astro cigarette

song trip
October 16, 2004 posted at 05:17 PM

Ayan, nag-set-up ako ng Tagalog journal. Wala lang, kailangan ko ng bagong pagtitripan at aabusuhin. Sa susunod na lang ang mahiwagang layout at iba pang ka-ekekan.

Oo, binili ko na ang Palabas, ang debut album ng Spongecola. Pinapagtugtog kasi sa Tower Records sa SM North, at nawili lang ako sa kanila. At first kala ko Marty McFly sila, kaya lang Tagalog yung kanta, at ayon sa jewel case ng album ng Marty McFly, wala silang Tagalog na kanta (o baka naman meron lang ngunit English lang ang title). Napagtaka ako, kaya tinanong ko yung employees at sabi nila Spongecola nga raw. Mukha yatang interesado ako, kasi pumunta sa stockroom yung mama, tapos pag labas, may dalang Palabas! Siyempre di ko kayang tanggihan yun, kaya binili ko. Wala pa ngang price tag eh.

Next time naman yung album ng Marty McFly, pero may gusto muna akong kausapin bago na naman ako magwaldas ng pera.
Spongecola - Lunes

1 astro cigarette

sa isang iglap
October 17, 2004 posted at 04:38 PM

Ayan, may layout na ang Tagalog journal ko. Simple lang, kasi ayoko mag-isip ng kung anu-ano habang ginagamit to. Trip lang di ba, kaya walang kayong makikitang seryosong disenyo dito. Mga malulungkot at depressing na entries siguro, pero hanggang dun lang. Oo, si Ely Buendia yung mama, ang magiting na ex-vocalist ng Eraserheads. Kayo na ang bahala kung may "hidden meaning" yung pamagat ng layout.

Minsan, nakakainis talaga ang maging isang iskolar ng bayan, lalo na kung nasa banda itaas yung baitang mo. Kahapon kasi nag-practice kami ng sayaw (pero okey lang, dahil nabili ko ang Palabas) tapos kanina pumunta ako sa eskwela upang magparetrato. Siguro kasalanan ko na rin yung pangalawa. Ako kasi yung pinuno na tinamad gumawa nung oras dapat gagawa.

Bilib talaga ako. Bukas pa dapat ibebenta ang album ng Spongecola, pero ngayon meron na ako.Naks naman. Parang ang espesyal kong bata. Espesyal rin yung kaklase ko, kasi sabay kaming bumili eh.

Mamaya pala may album tour ang Parokya ni Edgar sa SM North. Sana makapunta ako, kasi parang nakapanghihinayang kung hindi. Libre na nga, tapos ang lapit pa ng venue, tapos di ako pupunta. Parang pang-inis ata yun.
Bamboo - Masaya

bumili na kayo

sablay nga
October 18, 2004 posted at 09:16 PM

Kumuha lang ako ng handwriting analysis test. Nakakaaliw at medyo accurate naman ang resulta (paborito ko yung sinabi na isa akong sarcastic person), kahit di ako naniniwala na magandang magtrabaho ako sa math, science, race car driving, at flying planes. Masyadong high-risk ang ganung bagay para sa akin. At saka sabi ng guro ko sa Araling Panlipunan na ang mga maliliit ang sulat ay depressed at may tinatago.

Tama ba na maghinayang ako dahil hindi Journalism ang pinili kong elective? Minsan kasi, naiisip ko na kung nag-Journ ako, baka hindi ako nagbubulakbol tulad ngayon, o walang dahilan upang magsikap. Parang nararamdaman ko kasi na sayang lang ako, hindi ko ginagamit ang 100% ng talento ko. Ngeh, ano ba naman to, dalawang buwan ko na tong walang humpay na iniisip. Hay naku, kailangan ko na talagang tigilan ito, wala rin naman mangyayari kahit ano pang isipin ko ¬_¬

Please naman, ayoko magka-"lab layp"! Hindi ba alam ng puso ko na salamat, pero ako'y puno at sawang-sawa na sa angst? Hindi ko na kailangan ng dahilan upang maging depressed!
Sugarfree - Los Banos

bumili na kayo

ako lang ang nag-iisa
October 19, 2004 posted at 09:02 PM

Eto ang routine ko pagkauwi sa bahay: manood ng One Piece at Getbackers, kumain ng pagkain, makinig sa NU 107.5 (naimpluwensiyahan ako ng mga bandang nagpapasalamat sa NU!), mag-angst kapag may malungkot na kanta sa NU, kumain ng hapunan, i-check ang e-mail, mag-blag, makinig sa rock OPM sa PC ko, gumawa ng homework kung di tinatamad, maghanap ng fanfic pag tinatamad, etc. etc. Hindi masyado nagbabago. Minsan naggigitara ako habang nakikinig sa NU. Parang hindi nakakagulat na palagi akong bored at walang magawa.

Masaya ako dahil nahanap ko na ang One Piece OTP ko: ZoroxSanji. Oo, alam ko na hindi ako dapat nag-fafangirl sa blag na to (puwera na lang kung may kinalaman ito sa rock OPM RPS ko), pero wala lang. Tinatamad kasi akong mag-blag doon. Pero kyut talaga ang ZoroxSanji, kahit na ang pinakadahilan kaya ko sila pinagsama kasi parehong gwapo at astig sila. Oo, yun lang ang basehan ko sa mga pairings na gusto ko.

Yey, nakabili na ako ng tickets para sa concert sa Claret School of QC! Hindi ako Claretiano (kuya ko yun) at kahit kailan man ay hindi magiging Claretiano, pero kung nandun ang Sugarfree, Sandwich at Spongecola, nandun ako!
Sugarfree - Burnout

1 astro cigarette

sobrang ubod ng hanep ng astig!
October 23, 2004 posted at 02:26 PM

Syet, baka ma-suspend ang domain ko. Hindi naman dahil sa wala akong pera kaya di ako nagbabayad, ngunit dahil nakakalimutan ko. Siguro understandable na rin, kasi wala rin namang laman yung site. Naisip ko na rin na huwag na lang ituloy tong pag-maintain ang site ko, pero sino nang gagawa ng fanlisting ng Sugarfree kapag wala ako? Sayang naman ang pagka-approve nun kung iiwan ko na lang.

Well, anyway, may autograph na ako ni Kuya Mitch! Pumunta kasi kami sa benefit concert sa Claret School of QC. Grabe, astig talaga ang Sugarfree! Nakakaaliw si Kuya Ebe, patalon-talon at nagba-butt wiggling! Hayop talaga sa vocals at guitars! Astig rin si Kuya Jal--in lab ako sa kanya at sa angas bass skills niya at sa mga t-shirts niya (kung nakita mo na siya sa gig, alam mo kung ano ang ibig sabihin ko)! At pasayaw-sayaw siya, di tulad ni Kuya Ebe na hindi raw marunong! Sayang nga lang at hindi ako nakapag-tanong tungkol sa Sugarfree t-shirt, may balak pa naman akong bumili. At si Kuya Mitch Claretiano pala! Lupet mag-drums! Tapos masaya pa ako at tama ang spelling niya sa pangalan ko kahit di ko pa sinasabi sa kanya! Ambait niya! Naging espesyal pa ito dahil ito talaga ang unang beses na sa sobrang hyper ko, tumatalon ako at muntik pang mapa-slaman!

Andun rin yung Spongecola, ang banda ng mga gwapo ayon kay Kuya Ebe. Astig rin sila, kahit hindi ako nakakuha ng autograph. Mas guwapo si Kuya Yael sa personal kaysa dun sa album. Nadaanan ko si Kuya Chris, kaya lang naisip ko na huwag na lang humingi ng autograph. Pero di ko napanood ang Sandwich, kasi 10pm na at kinailangan na naming umalis (hindi ko nakita sina Kuya Buddy at Kuya Raims!) Protein Shake ang tutugtog habang umaalis kami, pero napanood ko naman sila noong San Miguel Oktoberfest, so hindi ako ganun kalungkot at na-miss ko sila.

Mamaya tutugtog ang Sugarfree sa Enchanted Kingdom, pero masyadong mahal at malayo para sa isang hayskul student tulad ko, kaya papanoorin ko na lang sila sa PBA halftime show bukas, 6pm. Minsan pala may kuwenta magkaroon ng tatay at kuyang mahilig manood ng basketbol.

Meron ba akong ipag-aangst ngayon? Wala naman ata, in fact masaya ako dahil kapatid ko nanalo sa District Bible Quiz. Oo, isang santong tulad niya ay kapatid ng demonyong tulad ko.

Huh. Parang may masamang kutob ako tungkol sa Lunes. Lagot.
Sandwich - Two Trick Pony

bumili na kayo

sampip
October 25, 2004 posted at 08:34 PM

Tangina, may pasok bukas. Sabi kasi ng mahiwagang DepEd kailangan 8am pupunta kami sa skul. Mga pa-importante kasi ang mga politiko dun eh, sembreak na nga, di pa pinapakawalan yung mga estudyante. Baka hindi na lang ako pumunta - bahala na sila sa buhay nila, sembrealk ko to p're, at hindi ko to aaksayahin para sa mga taong walang magawa sa sariling buhay. Kung atat silang papuntahin kami sa eskwela, eh di magbigay sila ng tutoong announcement, di ba?

Napanood ko yung bagong music video ng Sandwich, yung Nahuhulog ata yung title? Waw, syet, si Kuya Raims naka eyeshadow at tight-fitting purple shirt! Mahuhulog ako sa upuan ko sa kakatawa kung hindi lang ako nakahiga sa kama. Sayang at wala si Kuya Buddy upang magbigay ng dagdag na ligaya. Speaking of ligaya, dapat ko nga pala siyang kulitin tungkol doon sa series of komiks tungkol sa Adventures of the Sugarboys and Friends.
Sugarfree - Prom

bumili na kayo

WOOHOO
October 27, 2004 posted at 08:34 PM

SUGARFREE IS LOVE!
Eraserheads - Ang Huling El Bimbo

bumili na kayo

2004/11 »


ewan ko
home profile favorites
archives content gallery
links friends friends of